Nakahanap ng katapat? Raffy Tulfo at isang Pulis nagsabong sa Galit: “Meron tayong proseso, Mr. Tulfo!”


Tila nakahanap ng kanyang katapat ang mamamahayag na si Raffy Tulfo matapos itong makipag diskusyon sa hepe ng Las Pinas City police na si PCol. Rodel Pastor.

Sa nasabing episode ng Wanted Sa Radyo noong Septiyembre 4, ay nagkasagutan ang dalawa tungkol sa isyu ng ‘due process’.

Ayon sa nagreklamo kay Tulfo ay may isang lalaki na pinaghihinalaang isang pulis ang kinuha ang anak ng kaniyang kinakasama.

Nagsumbong diumano ang babae kay Pastor, ngunit tumanggi silang hulihin ang suspek dahil kailangan nilang sumunod sa proseso ng korte.

Sinabi ni Pastor na inalok nila ang nagrereklamo na magsampa ng kaso sa korte at pumayag naman daw ito.

Pero bigla nalang binatikos ni Tulfo si Pastor at tinawag itong mahinang pinuno dahil hindi niya kayang mapagsabihan ang kanyang tauhan na ibalik ang bata sa kanyang ina.

“Excuse me, sir! Sorry sir ha! You’re a weak leader. I’m sorry sir but you are weak. Pinaka-weak sa lahat ng weak… Di mo kaya yung bata mo na sabihan mo… You’re very weak! Bakit ka naging Chief of Police? Look at me, subukan mo ako. Tingnan natin, makukuha ko yung bata…” ani Tulfo.

Hindi naman nagustuhan ni Pastor ang pinagsasabi ni Tulfo at sinabi na hindi siya mahinang pinuno at sumusunod lamang siya sa batas.

“Bakit ako naging weak? Yun naman ang tama ah! Madali lang sabihin yan pero meron tayong proseso… Meron tayong proseso, Mr. Tulfo! May batas tayong sinusunod.” sagot ni Pastor.

Sumabay naman si Tulfo at sinabing kahit sibilyan lamang siya ay kaya niyang kunin ang bata hindi katulad ni Pastor na chief of police na ay hindi pa kayang aksyunan ang nasabing reklamo.

“You’re not suppose to be a chief of police, I’m very sorry sir. You don’t deserve to be called a chief of police,” he said.

Inakusahan pa ni Pastor si Tulfo na pinipilit putulin ang due process, ngunit itinanggi ito ng mamamahayag.

Paliwanag ni Tulfo ay dumadami ang nakatambak na kaso sa korte dahil sa mga taong katulad ni Pastor na walang diskarte.

Hamon din ni Tulfo, ipakita ni Pastor ang kanyang nagawa sa Las Pinas bilang hepe, at ikumpara ito sa nagawa ng mamamahayag.

Sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon ay hindi na maitago sa dalawa na nadadala na sila ng kanilang bugso ng damdamin.

Sinabi pa ni Pastor na tila minamaliit na siya ni Tulfo.

“You judged me. Anong karapatan mong sabihan mo akong weak leader ako? Mali ka! Nangliliit ka! Masyado kang mang-maliit ng tao…”  saad ni Pastor.

Pero paliwanag naman ni Tulfo ay nangliliit lamang siya sa mga taong karapat dapat makatanggap nito.

Pinupuri rin daw ni Tulfo ang ilang opisyal ng gobyerno kung karapat dapat sila sa papuring ito.

Humingi naman ng tawad si Tulfo kung hindi naintindihan ni Pastor ang kanyang sinasabi.

Ngunit sagot ni Pastor ay naiintindihan niya ang punto ni Tulfo, ngunit hindi naman daw tama na tawagin siyang weak leader matapos makisuyo ang mamamahayag sa kanya.

Inulit muli ni Pastor ang kanyang ginawang aksyon at sinabing pinagsabihan niya na noon pa ang inirereklamo, ngunit hindi niya na saklaw ang personal na desisyon ng kanyang tauhan.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa nasabing isyu.

May ilang kumampi kay Tulfo, at may ilan namang pumabor sa ipinaglalaban ni Pastor.


Isang nagpakilalang abogado pa ang nagsabi na lahat ng inirereklamo kay Raffy Tulfo ay maaring tumanggi dahil hindi naman daw korte ang nasabing programa.


Post a Comment

0 Comments