Nagsisi na? Sharon Cuneta binura na ang post niyang pambabatikos laban kay Salvador Panelo “From now on good vibes na!”


Binura na ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang post laban kay senatorial candidate Salvador “Sal” Panelo kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang reaksyon matapos kantahin ng tanyag na abogado ang isa sa kanyang mga awitin.

Sa kanyang Instagram, mapapansin na wala na ang kanyang post laban kay Panelo kung saan tinawag niya ang performance ni Panelo sa kanyang kanta na ‘Sana’y Wala ng Bukas.’ na “nakakahiya”.


Matapos niya namang burahin ito ay nag post si Cuneta ng ilang quotes katulad ng “Don’t let the ugly in others destroy the beauty in you.” at “From now on, GOOD VIBES ONLY!!! (pink heart emojis)”.

Hindi naman maitago ng ilang netizen na dismayado parin sila sa sinabi ni Cuneta laban kay Panelo na maituturing ang kanyang sarili na fan ng megastar.


Matatandaan na isang mamamahayag ang nagsabi na maaring makasira sa career ni Cuneta ang kanyang ginawa na pagbabawal kay Panelo na gamitin ang kanyang kanta.

Sinabi pa nito na maaring makaapekto sa kampanya ng asawa niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pinagsasabi nito sa social media.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Cuneta kung bakit hindi niya pinanindigan ang kanyang sinabi sa abogado.


Post a Comment

1 Comments

  1. Ngayon lng ako nakakita ng isang professional singer na nangiinsulto ng isang hindi professional singer.

    ReplyDelete