NAGBABALA? Angel Locsin may paalala sa kanyang 23-M followers: “Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon”


May paalala ang aktres na si Angel Locsin sa 23-M followers niya sa Facebook na posibleng pumili ng susunod na magiging lider ng bansa ngayong taon na ito.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Locsin na dapat ay suriin ng mga botante ang mga pipiliin nilang lider at wag pipili ng mayroong kasaysayan ng maling gawain.

“Ngayong simula na ang kampanya, At ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — Kilatising mabuti ang bawat pulitiko.” ani Locsin.

“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, Sinungaling, Nagmamanipula ng batas, Tamad, Malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa.” dagdag niya pa.

“Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag isipan rin kung sino ang susuportahan!”

Hindi naman malaman kung may pinaparingan ba na kandidato si Locsin dahil sa ibinahagi din nito ang larawan na mayroong kataga na ‘Never Again’ na kadalasang ginagamit ng mga kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Matatandaan na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo ang isa sa mga Marcos na si Bongbong.

May ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa sinabi ni Locsin.

“Aminado ang mga panatiko na sinungaling at magnanakaw ang mga iboboto nila. Kaya kahit walang sinabing pangalan si Ms Angel, madaming natamaan.” sabi ni Ruwan Weerakkody.

“Tama ka Angel. Huwag boboto ng magnanakaw at manlilinlang. Kaya wag iboboto si Leni Robredo,” ani Raffy Alexander.

“Unfollow na Angel Locsin kasi nakikichismis din about politics hahaha wag mo diktahan ang mga tao, LOVE NA LOVE SANA KITA ANGEL kaso, dinidiktahan mo kami sino ang dapat e boto eh.. bye,” komento pa ni Anj Pialago.


Post a Comment

0 Comments