Magnanakaw? Ted Failon may patama sa isang kandidato "Paano mo uutusan ang gobyerno na wag magnakaw kung ang pamilya mo ang hinahabol dahil sa pagnanakaw??


May mahalagang mensahe ang broadcaster na si Ted Failon sa mga kandidato na tumatakbo ngayon sa pagkapangulo.

Sa kanyang podcast na ‘Pagsugpo sa Korapsyon’ ay tinanong ni Failon kung sino nga ba sa mga kandidato ang mayroong ‘moral acendency’ para ma-impluwensiyahan ang mga nagta-trabaho sa gobyerno na huwag mangurakot sa kaban ng bayan.

Tinanong din nito kung sino sa mga kandidato ang may kakayahan na parusahan ang mga susubukan na kumupit sa pera ng gobyerno.

“Presidente na may tapang na magpapakulong sinumang mangungulimbat sa pondo ng bayan. Pangulo ng republika ng Pilipinas na mayroong tinatawag na moral ascendency.” ani Failon. “Taong may dangal, kapani-paniwala na siyang nagbibigay sa kanya ng karapatan na magsabi sa lahat ng kawani ng gobyerno na ‘wag kayong magnakaw'”

“May karapatan, may dangal at may moral acendency na wag kayong magnakaw,” dagdag pa niya.

Tila may pinaringan naman si Failon na isang kandidato at tinanong na kung maging presidente ito ay paano nito mauutusan ang mga taga gobyerno na huwag magnakaw kung siya mismo at ang pamilya niya ay may kinakaharap na kaso ng kurapsyon.

“Paano mo nga naman masasabi sa gobyerno na ‘wag kayong magnanakaw sa pera ng bayan’ kung ikaw mismo at ang pamilya niyo ay hinahabol parin ng gobyerno para mabawi ang inyong nakaw na yaman?” tanong ni Failon.

Matatandaan na isa si Bongbong Marcos sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo at laging ibinabato sa kanya ang kurapsyon na diumano’y ginawa ng kanilang pamilya.

Ayon sa ilang pahayagan ay hinahabol parin ng gobyerno ang P125-B na diumanoy kinuhang pera ng mga Marcos sa pondo ng bayan.

Sa ngayon ay hindi nalang pinapansin ng kampo ni Marcos ang mga akusasyon laban sa kanila.


Post a Comment

0 Comments