Gusto ng Gyera? Manny Pacquiao, naniniwala na kakayanin ng mga Pilipino ang China: “Malakas ang loob natin e,”

 

Naniniwala si presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na kayang kayang tapatan ng Pilipinas ang China kung sakali man na mabigo ang ‘diplomatic’ efforts sa pagitan ng dalawang bansa sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, kumpiyansa si Pacquiao na kayang tapatan ng Pilipino ang China sa isang ‘defensive war’ dahil sa katapangan na taglay ng Pinoy lalo na ang mga waray.

“Kaya natin, sa loob natin kaya natin. Malakas ang loob natin e, hindi tayo basta basta natatakot,” ani Pacquiao.

“Lalo na ‘yung mga may dugong waray,” dagdag niya pa.

Sinabi rin ni pacquiao na hindi dapat matakot ang mga Pilipino sa China.

“Lagi natin ‘yung kinakanta, eh: “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo.” Kumakanta tayo ng ganyan tapos hindi natin gagawin. Di ba? Wala naman tayong kinukwestyon na kaya nating ibuwis ang buhay natin kasi ‘yung mga ancestors natin na lumipas, binuwis nila yung buhay nila para magkaroon tayo ng kalayaan, para sa ating bansa.” saad ng pambansang kamao.

Si Pacquiao ay mayroong dugong waray na nakuha niya sa kanyang ina na si Dionesia “Mommy D” Pacquiao na ipinanganak sa Leyte.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa sinabi ni Pacquiao.

“Mga waray lang daw e deploy. Moral support lang kami mga bisaya,” ani netizen Altenee Ecarma

“Pambihira ka mane! ..nananahimik kame dito tapos isasabak mo kame sa gera!!” sabi pa ni William Roscas na isang waray.



Post a Comment

0 Comments