Walang Respeto? Retiradong heneral, may mensahe sa AFP matapos mapanood ang TikTok ni Leni “Eto ba ang gusto niyong maging commander-in-chief?”


Hindi mapigilan ng isang retiradong heneral na mapailing sa kontrobersyal na TikTok video ni presidential aspirant Vice Presidenet Leni Robredo.

Matatandaan na naging viral sa social media ang mga TikTok videos ni Robredo na diumano’y ideya ni Chef Gelo Guison at kahit ang ilang Kakampinks ay hindi nagustuhan ang mga pinagawa sa bise sa nasabing mga video.

Sa kanyang komento, tinanong ni retired general at dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Antonio Parlade Jr. ang kanyang mga dating kasamahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung si ang klase nga ba ni Robredo ang gusto ng sandatahang lakas na mamuno sa kanila.

Ayon kay Parlade ay hindi nakakatuwa ang ginagawa ni Robredo na isa sa mga posibleng mamuno sa AFP.

“Maawa tayo sa bayan natin. Wag tayo matawa. AFP ito ba ang gusto nyong maging Commander-in-Chief?” ani Parlade.

Ilang netizens din ang nagbahagi ng kanilang komento sa nasabing video ni Robredo.

“Yes, General Parlade is correct. The camp of Robredo has no serious programs and agenda for the country and that is what they are trying to offer, a dismal and inefficient candidate.” sabi ni Dei Verbum.

“Tumpak Gen. Parlade. Hindi nakakatuwa yong mga pinag gaga gawa niya,” komento naman ni Balinbin Marites.

“Wala na atang respeto sa sarili ang taong ito… O yung kanyang PR team ang walang respeto sa knya, dhil kung nirerespeto nila ang Madam nila di nila ipagagawa ito at iba pang mga naunang halos ganito rin…” saad naman ni Lyn Canda.

Post a Comment

0 Comments