T@nga ang mga Pilipino? Rita Avila may maanghang na mensahe sa netizen: “Mas T@nga kayo kasi pinili nyong paniwalaan ang mali”


Hindi nakapagtimpi si Rita Avila sa ilang netizen na binatikos siya matapos niyang magbigay ng komento tungkol sa Oxford University degree ni dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay tinawag na ’embarrassing’ ng aktres ang balita tungkol sa kumpirmasyon galing diumano sa Oxford University na walang degree na nakuha ang dating senador sa kanila.

Hala. This is embarrassing for a supposedly decent son of the late President.” ani Avila.

Nag viral naman ang nasabing pahayag ni Avila at inulan ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

Nilinaw naman ni Avila na hindi niya sinasabing nakakahiya ang hindi pagkakaroon ng degree ng dating senador at ang sinasabi niya kahiya-hiya ay ang pagsisinungaling ng kampo ni Marcos.

“ANG SINABI KO AY “EMBARRASSING NA NAGSINUNGALING SIYA TUNGKOL SA PAG-GRADUATE NYA.” sabi ng aktres sa kanyang komento.

Huwag kayong magalit sa out of context nyong dahilan. Wala naman talagang kaso kung hindi graduate, wag lang magsinungaling. Anyway, d tayo magkaaway kahit magkaiba tayo ng bet at mga rason.” sabi niya pa.

Ngunit tila hindi nakapagpigil ang aktres sa isa sa mga netizen na tila kinuwestiyon ang kanyang kapasidad.

“Ai isa ring T si Rita Avila, sayang manunulat kapa naman tapos wala kang alam, ikaw nakakahiya!” sabi ng netizen sa aktres.

Sorry po pero parang mas T kayo kasi pinili nyong paniwalaan ang mali. Ni hindi nyo inintindi ang sinabi ko dito. Pasensya na po ha? Ayoko sana ibalik sa yo ang salitang ginamit pero maayos po ang paliwanag ko. Kayo po ang nagpaloko sa titulo ng news. Mabuti kayong mga tao. Wag pakawalan un ng dahil sa politika,” sagot naman ng aktres.

Matatandaan na aktibo si Avila ngayon sa pagsasalita tungkol sa eleksyon lalo na’t mayroon na siyang napupusuan na kandidato.

Post a Comment

0 Comments