May Sakit? Mga Netizen biglang nagulat sa napakalaking pagbabago sa itsura ni De Lima sa Kulungan "Laki ng ibinagsak ng katawan!"

 

Ikinalungkot ng ilang netizens ang malaking pagbabago sa itsura ni Senador Leila de Lima na ngayon ay nasa huling taon na ng kanyang termino sa senado.

Nitong Disyembre 31 ay nagbigay ng mensahe ang senadora para sa kanyang mga tagahanga.

"Mahigpit na yakap mula kay Senator Leila de Lima, kalakip ang pagbati ng isang Maligaya, Ligtas at Makahulugang Bagong Taon sa lahat.” ani De Lima.


Hindi naman naiwasan ng mga netizens na hindi mapansin ang tila pagpayat ng senadora na limang taon narin na nasa loob ng Camp Crame dahil sa mga akusasyon laban sa kanya.

“Ang lungkot makita si Sen @SenLeiladeLima na ang laki ng ibinagsak ng katawan. Laban lang Sen. Leila. Manalo o matalo may isa akong boto sa inyo,” sabi ni netizen @joracelampa.

“Nakakalungkot lang at ang laki ng ibinagsak ng inyong katawan habang ang mga totoong kriminal ay pagala-gala lang. Palakas kayo at mahaba-haba pa ang laban natin,” komento naman ni @UnangGinang.

ay ilan din na hiniling na sana’y makalaya na ang senadora ngayong taon.

“Happy happy New Year mahal naming senadora. Nawa’y makalaya ka na this 2022 at maparusahan ang mga taong may kagagawan ng iyong walang-katarungang pagkakapiit. Kasihan ka nawa ng Diyos. We love you Sen. Leila!” mensahe ni @nabunturanguy.

Tumatakbo muli sa pagkasenador si De Lima sa ilalim ni Vice President Leni Robredo.


Post a Comment

0 Comments