BULGARAN! Mel Sarmiento ibinunyag sa Publiko na hindi kinaya ang mga pinagsasabi laban sa kanya ni Kris Aquino


Hindi diumano kinaya ng dating interior secretary Mel Sarmiento ang mga pinagsasabi sa kanya ng dating fiancé na si Kris Aquino matapos ang kanilang hiwalayan.

Sa episode ng Cristy Ferminute, sinabi ng kolumnista na si Cristy Fermin na may kinausap daw si Sarmiento tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Aquino kung saan ay sinabi ng ‘Queen of all Media’ na ginamit lamang siya ng kanyang dating karelasyon.

“Alam mo meron daw pinagsabihan itong si Ginoong SArmiento na lahat na ng salitang masasakit ay tinanggap niya sa buong buhay niya. Lahat daw ng karanasan ay pinagdaanan na niya,” kwento ni Fermin.

“Pero yung talagang hindi niya kinaya yung ginawa ni Kris na in public talaga, sinabi na siya ay manggagamit, at hindi naman tunay na kaibigan ni dating Pangulong PNoy, sumalangit nawa. Yun daw ang hindi niya kinakaya yon,” dagdag pa nito.

Matatandaan na ilang beses naglabas ng maanghang na mensahe si Aquino laban kay Sarmiento.

“Hindi kami nag balikan. i just felt PEACE in my – finally… kaya the past no longer felt like something i needed to erase. Iniwan nya ko Nay, when i was at my lowest and ginawa nya yun via text,” kwento ni Aquino.

“Matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation? i found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him,” dagdag niya pa.

Tikom naman ang bibig ng mga dating nakarelasyon ni Aquino sa isyu kasama na si James Yap at Joey Marquez na parehong kinasuhan noon ng television host matapos ang hiwalayan nila.


Post a Comment

0 Comments