Biglang Umarte? Antonio Trillanes IV, naiyak habang ikinukwento ang pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay


Hindi napigilang maluha ni dating senador Antonio Trillanes IV habang ikinukwento ang kanyang buhay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Sa nasabing panayam, ibinahagi ni Trillanes ang ilan sa mga hindi pa naririnig ng mga tao na detalye sa kanyang buhay.

Umabot sa punto na naging emosyonal na ang senador habang ikinukwento ang mga malulungkot na sandali ng kanyang buhay.

Dahil sa dati ngang sundalo si Trillanes ay hindi napigilan maitanong ni Ogie kung marunong din bang umiyak ang dating senador.

“Marunong ka pa rin bang umiyak, Sen? Umiiyak ka pa rin ba?” tanong ni Ogie.

Inamin naman ni Trillanes na nitong taon lang na ito ay ilang beses siyang naiyak dahil sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

“Maraming mga panahon na nagyayari ‘yon. Especially ito, nu’ng August, dalawa ‘yung nawala sa pamilya namin. Mother ko, on my birthday actually. Then, two weeks after ‘yung brother ko,” ani Trillanes.

“Actually ‘yung kapatid ko na ‘yon, ‘yan ‘yung ano ko e, ‘yung parang ano siya, cheerleader siya.” dagdag niya pa.

Noong 2004 ay nahirapan daw magdalang tao ang kanyang asawa dahil sa stress.

“And at some point nu’ng 2004, I lost my son dahil sa stress. ‘Yung wife ko had a difficult pregnancy, so naapektuhan. The difficult pregnancy was caused by stress.
And na-stress naman ‘yung wife ko dahil nakakulong nga ako. So ‘yun ‘yung mga difficult moments in my life.” kwento pa ng dating senador.

Inulan naman ng papuri ang dating senador sa mga netizen na napanood ang nasabing panayam.

“My hubby and I admires you most sir., we believe you’re a man of principle., you always choose to expose the truth no matter where the chips fall., we’ll be praying for you., you’ll always have our support., good luck sir :)” sabi ni netizen Mary Grace Gemelo.

“He’s a decent and honorable man, thank you for this interview I got to know him better. We need him in the Senate,” komento naman ni Jesusa Tan.

Sa ngayon ay mayroon ng 163,000 views ang nasabing panayam sa kanya ni Ogie.


Post a Comment

0 Comments