Biglang Sinampal? Ella Cruz inamin sa Publiko na Tinawag na "Laos" at Sinampal ng Kaklase ng Walang Dahilan


Sa isang digital presscon The Seniors kay Ella Cruz ay ibinahagi nito ang kanyang mapait na karanasan noong siya ay high school pa lamang. Ikinuwento niya ang mga pambu-bully na ginawa sa kanya noon ng kanyang mga ka-eskwela. Inamin niya na naging magulo noon ang kanyang highschool life dahil sa kanyang mga naranasan sa kapwa niya estudyante.

"To be honest, yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako," pagbabahagi ni Ella.

"Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, yung isa is maliit ako.

"Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon," balik-tanaw ni Ella.

"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent.

"One time, I'm just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga.

"Na-experience ko po yun."

Nang mag-4th year High School si Ella Cruz ay lumipat siya sa isang eskwelahan sa Quezon City at dito na niya natagpuan ang totoong mga kaibigan.

"Thank God, nung senior year ko na, fourth year high school, lumipat ako ng school sa Quezon City.

"Nag-home study ako dahil yun ang time na hindi ko na kayang mag-aral ng regular o pumasok ng regular.

"Dun ko na-meet yung mga tunay na kaibigan ko, yung friends for life. Sila talaga yung maaasahan mo through ups and downs," masayang pagbabahagi ni Ella.

"Dito sa Bulacan, wala akong friends. Pero yung naging friends ko sa Quezon City, they didn't care na artista ako.

"Until now, nagtutulungan kami sa mga business," pagtatapos ni Ella.


Post a Comment

0 Comments