Away Na To! Annabelle Rama at Jayke Joson matapang na nagdemandahan dahil kay Sen. Manny Pacquiao

 

Nagsampa ng cyber libel case sa isa’t isa ang talent manager na si Annabelle Rama at negosyante na si Jayke Joson dahil sa hidwaan nila tungkol kay presidential aspirant at senator Manny Pacquiao.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay nakakita sila ng merit para kasuhan si Rama dahil mga sinabi nito laban kay Joson na dating assistant ni Pacquiao.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Joson ang naging desisyon ng NBI.

“I pursue this case to fight a bully and a spreader of fake news. These people who act like trolls like Annabelle Rama are creating fake news to discredit the name of a person for personal gain. Bigyan natin ng sampol ang mga walang habas na gumagawa ng maling impormasyon sa kanilang personal accounts. Labanan natin ‘yan!” sabi ng kampo ni Joson.

Samantala ay nagsampa rin ng cyber libel case si Rama laban kay Joson matapos siyang tawaging “swindler” ng negosyante.

Matatandaan na sinabi noon ni Joson na itinakbo daw ni Pacquiao ang 100-M pesos na ibinigay sa kanya ng Paradigm Sports na paunang bayad sana sa pambansang kamao sa kanyang paglaban kay Mikey Garcia sa Dubai.


Ngunit hindi ito natuloy dahil sa nagdesisyon ang kampo ni Pacquiao na labanan si Yordenis Ugas.

Hindi na diumano ibinalik ni Pacquiao ang paunang bayad na ibinigay sa kanya ng Paradigm na ikinasama ng loob ni Joson.

Ipinagtanggol naman noon ni Rama si Pacquiao mula sa mga pasabog ni Joson laban sa pambansang kamao.

“Andun ako sa bahay ni Sen.Manny nung araw na yun. I was in the kitchen nanonoud sa Drama mo. Nandidiri ako sa iyo. Para kang babae nag iiyak, para mabigyan ka ulit ng pera.” paglalahad ng talent manager.

Kinasuhan naman ito ng kampo ni Joson upang bigyan daw ng leksyon ang pangingialam ni Rama sa isyu.

“Yung mga nakikialam at nakikisawsaw na kagaya ni Annabelle Rama ay aming bibigyan ng leksyon at talagang aming idedemanda. Sapagkat napakatibay, sobrang tibay ng ebidensya laban sa kanya sapagkat sarili niyang account yun.”  sabi ni Atty. Larry Gadon, abogado ni Joson.


Post a Comment

0 Comments