Nagpapanggap lang? Jay Sonza sinagot si Ogie Diaz: “Ikaw Ogie, nagpapanggap ka paring bakla?”

Tumugon ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa tweet ng talent manager na si Ogie Diaz.

Matatandaan na tinanong ni Ogie kung “tumatanda na ng paurong” ang mamamahayag dahil sa nagpapakalat diumano ito ng fake news laban kay Vice President Leni Robredo.

“Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong? #AskingForAFriend.” tweet ng talent manager.

Sinagot naman ito ni Sonza at sinabi na namamalagi na lamang siya ngayon sa kanyang sakahan na 61 ektarya ang lawak.

“Good morning Mr. Ogie Diaz (at Kakampink Warriors), bilang tugon sa tanong mo, narito ako sa aking munting sakahan ng Niyog, Palay, Manga at iba pang pananim (mga 61 hectares lang naman). Heto nag-eenjoy sa retirement since 2010.” sabi ni Sonza.

“Huwag kang malungkot. Masaya ako dine sa bukid. Marami akong alagang hayop. Paminsan-minsan nakakapamaril pa naman kami sa gubat. Ay totoo ka, matagal na akong senior citizen pero hindi pa naman ako nahuhulog sa pilapil kahit minsan.” dagdag niya pa.

Kinamusta din nito ang pamilya ni Ogie at sinabi na maaring bisitahin ng talent manager ang farm ng mamamahayag.

“Ikaw Ogie kamusta ka na? Nagpapanggap ka parin bang bakla? Kamusta ang iyong misis at mga anak mo? Dalangin ko na sana nasa mabuti kayong kalagayan.” ani Sonza.

“By the way, you are welcome to visit us here in the farm Mr. Diaz. Pagdamutan mo lang iyong native na manok, tupa at preskong gulay at bagong pitas na prutas ha. Salamat nga pala naalaala mo ako.” dagdag niya pa.

Isa si Sonza sa mga pinakakilalang mamamahayag sa bansa noong dekada 80, 90 at 2000s.

Isa sa mga kilalang programa ni Sonza ay ang Mel and Jay kung saan katambal niya si Mel Tiangco na hanggang ngayon ay aktibo parin sa pagiging mamamahayag.

Bago ito magretiro ay naging station manager pa ito ng UNTV.

Post a Comment

0 Comments