Duwag? Jim Paredes naghamon at tinawag na 'Duwag' si Pangulong Duterte

 

Sumali ang OPM artist na si Jim Paredes sa mga taong bumabatikos ngayon kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos diumano nitong umatras sa debate laban kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Sa kanyang tweet, binanggit pa ni Paredes ang anak ng Pangulo na si Inday Sara Duterte.

Sara may not want to use her husband’s surname kasi baka ma-freak out si Tatay. 🙂 #DuterteDuwag,” 

ani Paredes na napabalitang nasa Australia ngayon.

Umatras na yung nanghamon sa debate. Duwag talaga. He talks the talk. Antalk na antalk. Ha ha ha,” dagdag niya pa.


Asawa ni Inday Sara na si Atty. Mans Carpio ay kamag anak ng dating mahistrado.

Matatandaan na inanunsyo ng Malacanang na hindi na matutuloy ang debate sa pagitan ni Duterte at Carpio dahil narin sa payo ng kanyang kabinete.

Nagdesisyon na si Presidential Spokesperson Harry Roque na lamang ang makikipagdebate kay Carpio kung papayag ito.

Ang sabi ni Presidente, tinatalaga niya po ang inyong abang lingkod na makipag-debate kay retired justice Antonio Carpio, at tinanggap ko naman po ang pagtatalaga ni Presidente,” ani Roque.

Paliwanag ni Roque ay wala naman daw nakikitang pakinabang ang debate sa mangyayari sa bansa.

Handang-handa po sana ang Presidente na dumebate, pero kagabi po tinaggap po niya ang advice ng ilang miyembro ng gabinete,” saad ng tagapagsalita.

Bakit papayag sa debate eh nakaupong Presidente naman si Presidente Duterte at si Atty Carpio naman po, bagama’t siya’y dating mahistrado, ay ordinaryong abogado na ngayon. Parang hindi naman po ata tabla na ang Presidente mismo ang haharap sa ordinarying mambabatas. Parang hindi po patas,”  sabi niya pa.


Post a Comment

0 Comments